Presyo ng gasolina tataas, diesel bababa simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 02:09 PM

MAYNILA — Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Hulyo 9.

Nasa P0.25 ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.40 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel, ayon sa Petro Gazz at Shell.

Tatapyasan din ng Shell ng P0.35 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.