ALAMIN: Apps pang-alok ng mga skilled worker ng kanilang serbisyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2018 08:02 PM | Updated as of Jun 11 2018 08:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nauuso ngayon ang ilang web at mobile app kung saan maaaring ialok ng mga skilled worker ang kanilang serbisyo.

Kabilang sa mga karaniwang inaalok na tulong ng mga naturang service provider app, gaya ng MyKuya at Gawin, ang mga sumusunod:

• Home cleaning services
• Personal assistance
• Home repair and maintenance
• Gadgets repair
• Appliance repair
• Aircon services
• Plumbing services
• Food delivery and catering

Ang mismong mobile app na ang maghahanap ng kliyente na pinakamalapit sa kinaroroonan ng service provider o professional.

Nasa P600 kada araw o higit pa ang maaaring kitain depende sa alok na serbisyo o kakayahan.

Puwede rin itong gawing pandagdag ng kita o sideline, o kaya naman ay full-time work.

Ayon kay Bureau of Local Employment director Dominique Rubia-Tutay, mainam na pag-aralan muna ang ganitong uri ng mga mobile at web app.

"Hindi sila popular pa dito sa Pilipinas but if you go trading with other partners abroad, it's a recognized arrangement and in the future marami po tayong mae-encounter na ganitong mga klaseng service providers," ani Tutay.

"Siguro kailangan pang pag-aralan ng gobyerno 'yan. 'Yong mga online arrangements po natin hindi sila masyadong regulated," dagdag niya.

Isang service provider si Ruby Alonzo, isang housewife na may kasanayan sa mga gawain bahay.

Naisip niyang pasukin ang ganitong trabaho dahil sa nalalapit na pagpasok ng mga anak sa kolehiyo.

Kabilang sa mga pinagagawa kay Alonzo ng mga kliyente ay ang pagbili ng pagkain, pangangasiwa ng mga dokumento, at pag-aalaga ng mga bata.

Para naman kay Ferdinand Inlao, isa ring service provider at dating waiter, ginhawa ang mabilis na paghahanap ng kliyente gamit ang mobile app.

"Na-realize ko as a full-time, kaya kong kumita ng minsan above minimum," ani Inlao.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.