Kaltas-presyo sa gasolina, diesel posibleng pumalo sa P3/litro

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 06:27 PM

Isang malaking tapyas-presyo sa petrolyo ang inaasahang ipatutupad ng mas maraming gasoline stations sa susunod na linggo.

Sa tatlong araw na trading sa world market, nasa P2.82/litro na ang ibinagsak sa presyo ng gasolina habang P2.71/litro naman sa diesel.

Ayon sa oil expert na si Chito Villavicencio, maglalaro sa P2.50 hanggang P3.50 ang maaaring rollback sa gasolina at diesel pagsapit ng Martes.

"If there is a correction, it may go down to P2.50, and if there's no correction, it may go up to P3.50," aniya.

Dagdag ni Villavicencio, posibleng dahil ito sa away sa kalakalan ng mga dambuhalang bansa.

"I can only surmise that it's because of the trade war between the US and China further aggravated by the conflict on trade between Mexico and US also."

Ang ilang istasyon ng Petro Gazz gaya ng sa Mandaluyong City at Silang, Cavite, nagpauna na at nag-rollback na ng P2 kada litro sa diesel at gasolina.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.