ALAMIN: Halaga ng taas-presyo sa LPG simula Biyernes

ABS-CBN News

Posted at May 31 2018 07:46 PM

Magkakaroon ng dagdag-singil ang ilang kompanya sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products simula Biyernes, Hunyo 1.

Sa abiso ng Petron, nasa P3.40 ang dagdag sa kada kilo ng kanilang LPG habang P1.90 naman ang dagdag sa kada litro ng auto LPG.

Epektibo ang dagdag-singil ng Petron simula hatinggabi.

Nasa P3.36 naman ang dagdag ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG simula alas-sais ng umaga ng Biyernes.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.