ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo simula Sabado

ABS-CBN News

Posted at May 04 2019 05:14 PM | Updated as of May 04 2019 05:15 PM

MAYNILA—Isang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ipinatupad na ng ilang gasolinahan simula Sabado ng tanghali. 

Nauna na sa bawas-presyo ang Phoenix Petroleum.

PHOENIX

  • Gasolina → P1.00/litro
  • Diesel → P0.80/litro

Ang Petro Gazz naman, alas-6 ng umaga sa Lunes magbabawas ng presyo.

PETRO GAZZ

  • Gasolina → P1.00/litro
  • Diesel → P0.80/litro

Sa Martes ng umaga naman ang rollback ng Shell pero mas mababa nang kaunti kumpara sa iba. 

SHELL

  • Gasolina → P0.90/litro
  • Diesel → P0.80/litro
  • Kerosene → P0.80/litro

Inaasahang mag-aanunsiyo ano mang oras ang iba pang gasolinahan.

Bago ang rollback, apat na linggong sunod-sunod ang oil price hike na umabot ng mahigit P2 sa gasolina, P1.75 sa diesel, P1.90 sa kerosene.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.