Online fund transfer sa magkaibang bangko, posible na

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2018 10:44 PM

Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang electronic bank-to-bank transfer o ang mekanismo para makapaglipat ng pera online kahit sa pagitan ng magkaibang bangko.

Agad-agad nang matatanggap ang perang ipinadala sa pamamagitan ng bagong lunsad na "InstaPay."

Bukod sa pagpapadala o paglilipat ng pera, puwede ring magamit ang InstaPay para sa pagbabayad ng mga pinamili online.

Maaari rin itong gamitin sa online payment mode na PayMaya. 

Walang tulugan ang sistemang ito kaya't puwedeng magpadala ng pera kahit kailan, kahit saan.

Kailangan lang siguraduhing 'InstaPay' partner ang bangko ng account holder.

Mag-log on lang sa online account, piliin ang option na "transfer fund - InstaPay" at ilagay ang amount at kung saan ililipat ang pera. 

PUWEDENG MAGPADALA AT TUMANGGAP NG PERA SA INSTAPAY: 
- Asia United Bank 
- BDO Unibank 
- China Banking Corp. 
- China Bank Savings 
- Equicom Savings Bank 
- Security Bank 
- Unionbank of the Philippines


PUWEDENG TUMANGGAP NG PERA SA INSTAPAY:
- CTBC Bank 
- EastWest Bank 
- LandBank of the Philippines
- Metrobank 
- Omnipay 
- PayMaya 
- Philtrust Bank 
- Philippine Savings Bank 
- RCBC 
- Robinsons Bank 
- Sun Savings Bank 
- United Coconut Planters Bank 
- Yuanta Savings Bank

Nakadepende naman sa bangko kung magkano ang sisingiling transaction fee para rito.

Ang InstaPay ay bahagi ng national retail payment system ng BSP na layuning gawin mas epektibo at ligtas ang electronic payments sa Pilipinas. 
    
Kasalukuyang nasa 1 porsiyento lang ng lahat ng banking transactions sa bansa ang dinadaan sa electronic transfer. 

Target ng BSP na umabot ito ng 20 porsiyento sa taong 2020. 

-- Ulat ni Michelle Ong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.