Rollback sa produktong petrolyo namumuro sa ika-4 linggo ng #LuzonLockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2020 05:38 PM | Updated as of Apr 04 2020 06:12 PM

MAYNILA--Magkakaroon muli ng rollback sa ika-4 na linggo ng enhanced community quarantine, pero hindi na ito kalakihan kumpara noong nakaraan. 

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang magiging bawas sa diesel at kerosene. 

P0.40 hanggang P0.50 naman ang nagbabadyang tapyas-presyo sa gasolina. 

Sa buong Marso, mahigit P12 na ang nai-rollback ng gasolina at kerosene. 

Halos P9 naman ang naibawas sa diesel buong buwan. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.