LPG may big-time rollback sa Abril 1

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 05:35 PM | Updated as of Apr 01 2020 12:09 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA (2nd UPDATE)— Kasunod ng malaking bawas-presyo sa gasolina at diesel, magkakaroon din ng big-time rollback ang liquefied petroleum gas (LPG) simula Abril 1, Miyerkoles.

Sa taya ng mga taga-industriya, papalo sa P10 hanggang P11 ang magiging tapyas sa kada kilong presyo ng LPG, o aabot sa P110 hanggang P121 sa karaniwang tangke. 

Ayon kay Jun Golingay, CEO ng South Pacific Inc. na isang LPG storage company, malaki ang ibinaba ng demand sa LPG sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Yung konsumo hindi lang dito sa Pilipinas even in Asia ay talagang malaki ang ibinaba ng demand," ani Golingay.

Samantala, nag-anunsyo ang Phoenix LPG Philippines na bababa sa P10.70 per kilogram ang Phoenix Super LPG, at bababa din sa P6 per liter ang kanilang Auto LPG simula din ng Abril 1.

—Ulat nila Alvin Elchico at Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.