LPG may taas-presyo simula Abril 1

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 10:44 PM

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Lunes, Abril 1.

Tataasan ng Petron ng P1.25 ang kada kilogramo ng kanilang LPG at P0.70 ang kada litro ng kanilang auto-LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Lunes.

Simula alas-6 ng umaga, tataasan ng Solane ng P1.14 ang kada kilogramo ng kanilang LPG.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.