Dagdag-singil sa Maynilad; bawas-singil sa Manila Water bill namumuro

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 01:39 PM

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-presyo sa bill ng tubig sa Maynilad; habang babawasan naman ang singil sa bill ng tubig sa Manila Water, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System. 

Magkakaroon ng P0.21 bawas kada cubic meter ang Manila Water. 

Samantala, may dagdag-singil na P0.05 sa kada cubic meter ang Maynilad. 

Hindi sinabi ng MWSS kung kailan magsisimula ang dagdag-bawas na singil. 

Pero paliwanag ng MWSS, ang pagbabago sa singil ay dahil sa 2nd quarter Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.