Presyo ng gulay, karne sa Kamuning Market nagtaas

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 11:55 AM

Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay maging ang kada kilo ng karne sa Kamuning Market ngayong Huwebes. 

Nakita ang pagtaas ng presyo sa mga sumusunod na gulay: 

• Baguio Beans → P60/kilo (dati: P50/kilo)
• Kamatis → P50/kilo (dati: P40/kilo)
• Pechay Baguio→ P60/kilo (dati: P50/kilo)
• Broccoli→ P160/kilo (dati: P100/kilo)
• Okra→ P60/bundle (dati: P30/bundle)
• Cauliflower→ P90/kilo (dati: P80/kilo)

Bumaba naman ang presyo ng ilang gulay at prutas: 

• Sayote→ P50/ kilo (dati: P60/kilo)
• Ampalaya→ P50/ kilo (dati: P90/kilo)
• Kalamansi→ P20 hanggang P25/kilo (dati: P30/kilo)

Samantala, tumaas sa P230 kada kilo mula P220 ang presyo ng karneng baboy. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.