Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Pebrero

ABS-CBN News

Posted at Feb 06 2020 02:10 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente ang Meralco sa paparating na bill sa Pebrero, sabi ng kompanya.

Nasa P0.59 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa February bill ng Meralco bunsod umano ng mas mababang halaga ng kinontratang kuryente at bentahan sa sport market.

Katumbas ito ng P118 bawas sa mga kabahayang komukonsumo ng 200 kWh, P177 sa 300 kWh na konsumo, P236 sa 400 kWh na konsumo, at P295 sa 500 kWh na konsumo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.