LPG may taas-presyo simula Pebrero 1

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 07:38 PM

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Biyernes, Pebrero 1.

Ayon sa Petron, P3.88 ang kanilang taas-presyo sa kada kilogram ng LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi.

Magpapatupad din ang Petron ng P2.17 taas-presyo sa kada litro ng autoLPG.

Nasa P3.41 naman ang dagdag ng Solane sa kada kilogram ng kanilang LPG simula alas-6 ng umaga.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.