Dagdag P500 na ayuda dahil sa reporma sa buwis, tinutulan ng NEDA

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 03:52 PM

 

Sapat na ang P200 kada buwan na ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap, sa harap ng inaasahang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa reporma sa buwis, ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, Miyerkoles.

Hindi sang-ayon si Pernia na dagdagan pa ng P500 ang tulong mula sa gobyerno, batay sa panukala ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of Philippines.

"Part of the TRAIN program is providing P200 per month to about 10 million households that are below the poverty line, and that's going to help them tide themselves over during the period that there's a spike in prices owing to the TRAIN," ani Pernia. 

Isinusulong ng ALU-TUCP ang P500 ayuda bilang tugon sa nakaambang pagtaas ng presyo ng petrolyo at ilang bilihin dahil sa ipinasang tax reform law.

Ayon kay labor Sec. Silvestre Bello, bukas siya sa panukala ng ALU-TUCP.

Pero sabi ni Pernia, kailangan pang masusing pag-aralan ang naturang suhestiyon. 

"This P500 proposed by DOLE I think has to be well-studied because many of the wage earners are already exempt from paying taxes and they're also going to benefit from the 200 household per month. So I don't see why we still have to give them an additional P500," giit ni Pernia. 

Dagdag niya, makaaapekto umano ito sa nakalaang pera ng bansa para sa impraestraktura at iba pang investments.

"It's going to hit the revenue-generation side of government and we need a lot of revenue for our investment program, our 'Build Build Build' program," paliwanag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.