ALAMIN: Galaw ng presyo sa Kamuning Market

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2019 02:32 PM

Bumaba ang presyo ng ilang klase ng gulay pero tumaas naman ang presyo ng manok, baboy, at seafood sa Kamuning Market nitong Huwebes. 

Sa pag-iikot, nakita ang sumusunod na galaw sa presyo sa ilang klase ng gulay: 

• Petchay Tagalog → P70/kilo (dating P100/kilo) 
• Kamatis → P40/kilo (walang galaw) 
• Carrots → P40/kilo (dating P60/kilo) 
• Brocolli → P80 (dating P100/kilo) 
• Okra → P50/bundle (dating P120/bundle) 
• Cauliflower → P100/kilo (dating P280/kilo)

Samantala, P140 kada kilo naman ang bentahan ng manok pero may nagbebenta ng P150 kada kilo. 

Tumaas naman ang presyo ng karneng baboy na P230 kada kilo ngayon mula P220 kada kilo. Gayundin ang presyo ng tilapia na P120 kada kilo na mula P100 kada kilo. 

Tumaas din ang presyo ng hipon na P450 ngayon mula P360. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.