Ilang flights mula Tacloban City, naantala

Geron Ponferrada, ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2018 07:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

TACLOBAN CITY - Naantala ang ilang flights sa Daniel Z. Romualdez Airport dito sa siyudad nitong Martes dahil sa isang pothole sa runway.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, sinimulan ang pag-aayos ng runway alas-4 ng hapon na inaaasahang matatapos sa loob ng 3 oras.

Ipagpapatuloy naman ang flights alas-8 ng gabi.

Apektado ang 5 flights patungong Maynila at 2 flights patungong Cebu.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.