#WalangKuryente: Power interruption sa Laguna, Rizal

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2019 12:12 PM

Nag-anunsiyo ang Manila Electric Company (Meralco) na mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Laguna at Rizal ngayong linggo.

 

LAGUNA (SAN PABLO CITY)
ENERO 8, 2019, MARTES
Sa pagitan ng alas-9 ng umaga at alas-9:59 ng umaga at sa pagitan ng alas-3:01 ng hapon at alas-4 ng hapon

- Bahagi ng San Pablo – Rizal Highway mula Shell Gas Station hanggang at kasama ang San Lorenzo Barangay Road, Sto. Angel Barangay Road, Pinaglabanan Road, Sabang Road, Carmelite Road at Sta. Catalina Road; NHA Housing Project – Sto. Angel Subd., Sitio Malabanban at Pope Pious Village sa Bgys. San Lorenzo, Sto. Angel, Sta. Isabel, San Diego, San Lucas I, Concepcion, San Buenaventura at Sta. Catalina.

Sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon
- Bahagi ng Werner Schetelig Ave. at San Pablo – Rizal Highway mula malapit sa VLARS Gas Station hanggang Sabang Road kasama ang Cliff View Subd., Concepcion Village, Doña Eusebia Subd., Immaculate Compound at Sampalok Lake Court Subd. sa Bgy. Concepcion.

DAHILAN: Paglipat ng mga posteng apektado ng road widening project ng Department of Public Works and Highways at pag-install ng karagdagang lightning protection devices sa San Pablo – Rizal Highway sa Bgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna.

RIZAL (CAINTA)
ENERO 6 – 7, 2019, LINGGO HANGGANG LUNES
Sa pagitan ng alas-11 ng gabi (Linggo) at alas-6 ng umaga (Lunes)

- Midland Steel sa St. Anthony Subd., Bgy. San Juan.

DAHILAN: Pagpalit ng poste sa A. Rodriguez Ave. sa Bgy. Manggahan, Pasig City.

RIZAL (CAINTA)
ENERO 13, 2019, LINGGO
Sa pagitan ng alas-12:01 ng hatinggabi at alas-5 ng madaling araw

- Bahagi ng Ortigas Ave. Ext. mula Meralco – Cainta substation sa harap ng LF Logistics hanggang at kasama ang Rublou Bldg., Robinsons Big R – Cainta, Mercury Drugstore, 7-Eleven Store, Cainta Public Market, PTT Gas station at ARDI Arcade sa Bgy. Sto. Domingo.

DAHILAN: Paglipat ng mga poste at line reconstructon works sa Ortigas Ave. Ext. sa Bgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.