DTI: Dagdag-presyo, dapat ay nasa ilang sentimo lang

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2018 09:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Iginiit ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi dapat lumagpas sa suggested retail price (SRP) ang dagdag-singil sa presyo ng mga pangunahing bilihin dala ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Ayon kay Lopez, hindi rin hihigit sa P0.5 ang dagdag sa presyo.

"In 15 days, baka 'yung iba will be affected by fuel tax adjustment, but we computed, as we said, it's very minimal, 'yung impact, singko sentimos lang if at all per lata 'yong impact," ani Lopez. 

Gayumpaman, may ilang produkto na lampas 5 sentimos ang lampas sa dagdag-presyo. 

Narito ang ilan sa mga inaasahang dagdag-singil sa mga produkto, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI):

  • Canned sardines (155 grams) - P0.04
  • Coffee refill (25g) - P0.04
  • Coffee refill (50g) - P0.08
  • Powdered milk (150g) - P0.10
  • Instant noodles (55g) - P0.03
  • Loaf bread (450g) - P0.14
  • Pandesal 10 pcs. per pack (250g) - P0.06
  • Condensed milk (300 milliliters) - P0.11
  • Evaporated milk (140 ml) - P0.08
  • Detergent soap (380g) - P0.04

Subalit wala umanong paraan para malaman kung kasama sa lumang stock ang isang bilihin. 

Sa palagay ng DTI, sa Enero 15 o 21 papasok ang mga bagong produktong saklaw ng bagong pagbubuwis.

Sa ngayon, wala pa umanong naitatalang pagtaas ng presyo sa mga supermarket. 

Pagmumultahin ng DTI ng hanggang P1 milyon ang mga mahuhuling aabuso sa taas-presyo.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.