Mayor Lim at the Manila City Hall during his second time as city mayor. “Gusto ko lang naman maalala nila na ako public servant who has done his best to serve the country." Photo by Tammy David
Culture Spotlight

Alfredo Lim on his first memories of Manila, how he became a cop, and that ‘Dirty Harry’ tag

A glimpse of the ex Manila Mayor who passed away yesterday at 90.
JEFF CANOY | Aug 09 2020

Dirty Harry, they’d call him.

For three years, I was assigned to cover Alfredo Lim and the Manila police under his administration. The retired major general made cops cry regularly for what he described as “ineptitude, incompetence and laziness.” He would then hark back to the “good old days” of the police—more specifically his days.

During press conferences at City Hall, he would often scold suspects publicly. They too, cried.

Some of these suspects would later turn up dead. “Agaw baril,” the police said. 

For our interviews, he’d always ask me to do it on the phone. That wasn’t weird. That he would only talk via his landline phone was the stranger bit. The year was 2010.

The last time I interviewed him was in 2013. It was in his home. He showed me previous articles he had collected from his long career as a cop and as a politician. He showed artifacts and trophies, photographs, and memorabilia. I looked for the landline phone but I wasn’t able to find it. No sign of the spiral wire I imagined, coiling at the phone’s receiver. 

On his legacy: "Gusto ko lang ipakita sa mga susunod sa amin na kung ginagampanan mo trabaho mo, people will appreciate that and they will not forget.”

He offered me homemade spaghetti. He talked about how he was “a true son of Manila”—born 1929 in Tondo, left by his mother at Hospicio de San Jose, how he experienced World War 2, and how detective magazines led him to a career in the force.

I asked him then what he would like to be remembered by.

Gusto ko lang naman maalala nila na ako public servant who has done his best to serve the country. Let the younger ones do their thing. I’ve done my share. Gusto ko lang ipakita sa mga susunod sa amin na kung ginagampanan mo trabaho mo, people will appreciate that and they will not forget.”

Here are excerpts from that 2013 interview. Manila Mayor Alfredo Lim in his own words:

 

His earliest memories of Manila

Ang main transportation system dito yung tranvia, sa Avenida Rizal. Kokonti pa lang ang tao at saka marami pang bakanteng lote no’n sa Maynila. After liberation, medyo gumulo, dahil ito, South of the Pasig, binomba nang binomba ng American forces. Yung mga Japanese soldier put up a last stand here kaya ang daming namatay dito yung last week ng February 1945. A hundred thousand were killed here: babae, lalaki, matanda, batakasi yung mga Hapon naging desperate na, nag-panic na, kaya lahat ng makita pinagbababaril at sinusunog ang mga building. Yung City Hall, nasirayan, ni-rehabilitate lang ng mga Amerikano after liberation.

 

On growing up during World War 2

Estudyante lang ako noon. Grumadweyt ako sa high school 1948. Ang alam ko lang ang Intramuros no’n tahimik, tapos kung may mga prusisyon, mga religious ceremony, dinadala kami do’n noong maliit ako. Nasa Hospicio de San Jose ako eh. Nagka-isip ako doon kaya alam ko yung mga religious festivities. Ang mga kasama namin mga madreng Kastila. I stayed there for 8 or 9 years. Noong malaman ng lola’t lolo ko na do’n pala ako dinala ng mother ko e kinuha ako—dahil inilihim yun. Hindi nila ‘ko makita pero pinagbilin ng mother ko sa eldest sister nya, si Tiya Caridad, na nandun nga ako, at yung anak nya, si Engr. Forpirio Dela Fuente, once a month kinukuha ako doon at pinapasyal ako. Noong araw, may mga halo-halo store ang mga Hapon. Doon ako dinadala, pinapakain ako ng ice cream, halo-halo.

 

On becoming a cop

Noong nag-aaral ako ng high school, siguro senior class na ‘ko noon, mahilig akong magbasa ng mga detective and police magazines. Binabasa ko yung mga true cases handled by police officers. Sabi ko, sa loob-loob ko lang, ang galing pala ng mga pulis ano, hinuhuli yung masasamang tao, naso-solve yung kaso at tumutulong sa victims of crimes.

On working: "Gusto ko may mga problema e, para naso-solve ko. Pag walang ginagawa, walang problema, medyo malambot ang katawan ko."

Noong nasa college ako e nagbigay ng examine ang civil service for the first time, in 1950. Eh may 5,000 ang kumuha pero 2,000 lang mahigit ang nakapasa. Nagkabakante dito sa Manila police department, I think 121 vacancies. Sumulat ang chief of police sa civil service na magpadala ng mga nakapasayung first 200 highest na nakapasa doon sa civil service e napasama ako. Sa interview, napili naman ako kaya that started my career as a policeman.

 

On his early days as a cop

Ang hindi ko makakalimutan talaga ang mga nagtuturo sa amin: mga veteran police officers, mga precinct commanders, yan ang mga instructor. Tinuturo nila yung mga eksperyensa nila during their early years. Sinasabi nila, ‘O kayo ha gusto nyong magpulis ha, baka akala nyo masarap yung buhay ng pulisang pulis are paid to die. 

Siyempre nagulat kami. Magpupulis lang kami, anong paid to die? Ang sabi sa amin ni Major Vibar—abogado yunsabi nya, pag ang pulis magre-report for duty, paglabas nya sa bahay, ang isang paa nya nasa hukay na dahil hindi nya alam kung ano mae-engkuwentro. Kunwari sasakay siya sa jeep patungong headquarters e nagkaroon ng holdapan, natural reresponde sya. Kaya sabi nya eh kailangan alisto kayo kung anong mangyayari at be prepared. Hindi naman pwede na pag nagkaro’n ng insidente tatalikod ka, tatakbo ka. Syempre reresponde ka. Yun ang tungkulin mo kaya you must be ready to sacrifice your life. Yun ang ini-ingrain sa amin sa training.

 

On joining politics

Wala kong hilig sa pulitika eh. Ang nangyari yan, noong ’92, director ako ng NBI, e maraming pumupunta doon sinasabi labanan ko yung incumbent, si Mayor Mel Lopez. Eh sabi ko ayoko, wala ‘kong hilig dyan, dito lang ako sa pulis, dito sa NBI. Eh tapos si President Cory naman mage-expire na yung term, kandidato nya si President Ramos. 

Eh dahil sa dami ng mga delegation e kinausap ko si Cardinal Sin at si President Cory na maraming pumupunta sa NBI asking me to run. Sabi nila, e sige tumakbo ka na. Eh nung pagtakbo ko nga kinakantiyawan ako na pupulutin daw ako sa kangkungan dahil wala akong alam sa politics. Talaga namang wala eh pero nangyari nanalo ako. Siguro yung 38 years in the police force saka three years sa NBI maaring hindi nakalimutan ng mga tao yun

Cory's candidate: "Eh dahil sa dami ng mga delegation e kinausap ko si Cardinal Sin at si President Cory na maraming pumupunta sa NBI asking me to run. Sabi nila, e sige tumakbo ka na."  

Wala nga akong mga political leader eh, kahit isang barangay wala ako eh. There are 897 barangay chairmen e lahat nakay Mel Lopez. Basta yun lang ginagawa ko, house to house, kamay nang kamay sa mga depressed areas, yun lang.

 

On why he ran for office

Kasi sinasabi noon e sobrang maraming crime na nangyayari, prostitution, o basurakaya inisip ko naman, eh kung palagay ng tao magagawan ko ng solusyon itong problemang ito…parang challenge ba. Gusto ko mga challenges eh. Pag wala akong ginagawa medyo very low ang feeling ko. Gusto ko may mga problema eh, para naso-solve ko. Pag walang ginagawa, walang problema, medyo malambot ang katawan ko.

 

On being tagged Dirty Harry

Alam mo yung Dirty Harry ‘yan eh isinapelikula ni Clint Eastwood. Naging box-office hit yan. Based on the true story of detective inspector (Harold Francis) Callahan of the San Francisco Police Department. Itong officer na ito masigasig talagang magtrabaho, huli sya nang huli

Kasi matindi ang aming dating sa mga criminal elements eh. Wala kaming patawad. We don’t care kung ikaw bata ka ng pulitiko, ikaw mataas ang rango mo. Sinasabi ko sa mga tao ko ang common denominator natin, if you violate the law, if you commit the crime, we will go after you. Sabi ko sa kanila, don’t be a coward, no exception: basta (the person committed) a crime, go for it. Natutuwa naman sa kampanya ko. Eh yung mga good citizens yung pinoprotektahan namin eh. Yung galit lang sa akin yung mga criminal, pinapakulong ko sa Muntinlupa yung mga na-convict sa mga crime. Eh trabaho ko yun e. Kanino bako kakampi: sa good citizen o sa criminal elements?

 

On his critics

Hindi ko pinapansin yun. Ang hilig nila manira, eh di tuloy ang ligaya nila. Ako why will I dignify their negative statements, parang binibigyan ko pa ng importansya? Let the people be the judge. Basta ako nagtatrabaho at wala akong piniperwisyong good citizen. Iniisip ko sasagutin ko itong kasinungalingan na ito, pag nagpaliwanag ako gagawa na naman sila ng panibagong kasinungalingan e mawawalan ako ng oras sa trabaho

Pag may mga sinasabi, inaalam ko pag totoo. I’ll immediately backtrack kung nagkamali kami. I’m not saying I’m perfect hapwede magkamalipero ang pagkakamali namin hindi deliberate or in the performance of duty. Kung may mga tao ako na sobra ang ginagawa, I call them to ask eh. Kung ako mabagsik sa mga kriminal, doble sa mga pulis na gumagawa ng kalokohan

So far I’ve recommended the dismissal of or the filing of charges for 45 na officers and men from 2007. May major na na-dismiss, merong dalawang kapitan o apat na tinyente, the rest sarhento, PO1, PO2. Wala akong patawad diyan. Sinasabi ko sa kanila hindi kayo pwedeng maging bantay-salakay. People look up to you as their protector.

 

On claims of police abuse between 2010-2013

Nahihiya ako. Nalulungkot. Bakit ganun, samantalang nung panahon namin e ang mga pulis ginagalang because they’re doing their duties? Ngayon eh mga hindi ko nga maintindihan. Ito ba because of the training o ito ba dahil doon sa pagkatao nung pulis? Baka hindi napiling mabuti

On responding to critics: "Basta ako nagtatrabaho at wala akong piniperwisyong good citizen."

Kasi nung panahon namin katakot-takot na clearance ang kukunin naminkukuha ka ng clearance sa PC, kukuha ka ng clearance sa NBI, o kukuha ka ng clearance sa police department. Saan ka nakatira? Iinterbyuhin pa yung mga kapitbahay mo kung anong klaseng tao ka. Masyadong mahigpit ang screening noon. Ewan ko lang kung ginagawa nila ngayon yun, kaya may pumapasok na mga misfits, na mga undesirable. 

Sasabihin ko na sa iyo: categorically, 98 to 99 percent ng police force, from the officer down the line, mga devoted and dedicated to service. Konti lang naman yang gumagawa ng kalokohan e. Pero ang problema nahahawa yung mga nagtatrabahong pulis, yung magagaling na pulis, because some superiors have a mistaken impression na para sila maging sikat na leader they have to protect their men at all cost. Ako hindi. Pag ikaw involved sa kalokohan, involved in crime, I’ll be the first one to go after you. Pero pag ikaw in the performance of duty nademanda ka—harassment charges, counter charges, para i-bargain yung kaso sa iyo, o yun ang advise ng mga abogado, eh I’ll give you all the necessary assistance. Bigyan kita abogado, o kung anong gastos sa piskalya sa husgado. Pero pag personal yung ginagawa mo, nangingikil ka, nagdedelihensya, nagpa-plant ng drugs, you can go to hell. I don’t care. Ako magpapakulong sa iyo.

 

On Erap during the 2013 mayoralty race

He’s welcome to run. This is a free country. Bahala na ang tao. Kung inaakala nilang mas may magagawa siya eh di okay, I’ll accept, pero kung ang paniwala naman nila mas may magagawa ako eh di salamat din.

 

On what he gave Manila 

Manila is the capital of the Philippines, this is the city of power. Ang Malacañang nandito. Kaya we have to develop Manila. Napag-iwanan na nga during the past years from several administrations. Hindi ko naman sinasabi na isang administrasyon lang ang may kagagawan noon. Chain reaction nayun. So ako ang nakaupo ngayon, I’m trying my level best to put up with the modern times na kung napapa-improve ang ibang cities eh ganun din ang gagawin namin

On what he gave to Manila: "Yung iba gumaya pero sa ospital namin ha, hindi lang walang bayad sa doctor, walang bayad sa kwarto. Kung wala kang pambili ng gamot, city pa ang bibili ng gamot para sa iyo para gumaling ka."

Pero ang masasabi ko lang we have undertaken projects which have been emulated or copied by other cities. Una, yung free college ako nag-start nyan nung 1995. After three years sumunod lang sila. Because very important sa akin ang edukasyon. Yan ang susi para umunlad ang bayan at mabawasan ang mga mahihirap. Tapos yung six hospitals namin, one for each district. No other city, no other province has that number of hospitals. Eh hanggang ngayon hindi pa napapantayan yun. Yung iba gumaya pero sa ospital namin ha, hindi lang walang bayad sa doctor, walang bayad sa kwarto. Kung wala kang pambili ng gamot, city pa ang bibili ng gamot para sa iyo para gumaling ka.

 

On his love for Manila

Mahal ko ang Maynila. Dito ako pinanganak e. I grew up here. Ditoko nakatapos, ditoko nakapaghanapbuhay, ditoko nakapag-asawa. I raised my family here so Manila is special to me, and ayokong sasabihin nila na balewala ang Maynila. There were so many historical events that occured here during the Spanish times, American regime, Commonwealth up to the present. Kami lang ang nagsi-celebrate, nagko-commemorate ng mga historical events. Magpapatayo pako ng mga estatwa ng mga heroes natin so that they’ll become the role models of our young people.

 

On his legacy

Gusto ko lang naman maalala nila na ako public servant who has done his best, to the best of his ability, to serve the country with clean and honest governance. I’ve done my share.

Hindi ba nasabi ko sa iyo kanina pag wala akong ginagawa medyo wala ako sa kondisyon? Eh dito pag dating mo sa opisina kung sino-sino na ang taong kausap mo. May mga problema, humihingi ng tulong, o may nirereklamong mga pulis. Siyempre you have to tackle this. Iniisip ko e kung gusto pako ng tao na magbigay ng serbisyo I’ll gladly accept the challenge. Gusto ko may challenges sa life. 

You may also like:

Ako naman home-to-office, office-to-home, ganoon lang ang aking routine. Pagdating ng gabi, wala akong outside appointment. Nandito lang ako. Kaya up to 11 o’clock tulog ako, gising akong 5 (A.M.), exercise, konting jogging, calisthenics to sweat it out, because you have to be physically fit to meet all of these problems. Sabi nga nung iba, alam mo pag nagretire ka lalo kang tatanda, ‘dangan kasi wala kang ginagawa. Mahirap yung nasanay ka don sa araw-araw na may ginagawa kang trabaho tapos biglang-bigla nakaupo ka na lang nagbabasa ka na lang ng dyaryo

Palagay ko naman kung papalarin sa 2013, after 2016 I’ll just enjoy my life. I’m now on my second term, second incumbency. Tama na yun. Let the younger ones do their thing. I’ve done my share. Gusto ko lang ipakita sa mga mga susunod sa amin na kung ginagampanan mo trabaho mo people will appreciate that and they will not forget. They will always remember.

 

Photos by Tammy David