Chinese brand na Huawei, handang makipagsabayan sa 'high-end' smartphones

Huawei Philippines

Posted at Nov 23 2017 09:28 PM | Updated as of Nov 24 2017 03:19 PM

Malayo na ang narating ng Huawei Technologies Co. mula sa pagiging isang maliit na telecommunications network equipment company sa China. 

Itinatag ng negosyanteng si Ren Zhengfei noong 1987, ang Huawei Technologies Co. ay kasalukuyang nakikilala dahil sa dekalidad nitong smartphones na kayang makipagtapatan sa ibang teleponong makikita sa merkado.

 

 

Isa na rito ang Huawei Nova 2i na may apat na camera--dalawang rear camera na may 16 megapixels, at front camera na may 13 megapixels. 

Pinagmamalaki rin ng Nova 2i ang kapasidad nito para sa "bokeh effect," kung saan automatic na magpo-focus sa subject at magbu-blur ang background ng kukuning litrato. 

Sa presyong P14,990, ang Huawei Nova 2i ay mayroon ding 5.9 inch full display screen para sa mas magandang visual experience para sa mga smartphone users. 

Ayon kay Clement Wong, ang Head Product Marketing of Consumer Business Group ng Huawei, layunin ng kumpanya ay ang patunayang kayang makipagsabayan ng Chinese phone brands sa ibang mga tatak sa merkado. Nais umano nilang baguhin ang perception ng tao sa tag na "Made in China." 

 

 

"Right now, smartphone users are pretty smart. They will not stick on the particular area where the phone comes from. Actually, they love the phone because it has great experience to bring them," aniya. 

Sa nakaraang dekada, gumastos ng halos P2.4 trillion ang Huawei Technologies Co. upang mapaganda ang teknolohiya ng kanilang mga telepono.

Ang lahat ng ito'y ginugol nila sa paggawa ng mas dekalidad at abot kayang mga smartphone.

Nitong Nobyembre lang ay inilunsad din nila ang Huawei Mate 10 at Mate 10 Pro, na naglalaman ng kanilang signature processor, ang Kirin 970. 

Ayon sa Huawei, ang Kirin 970 ay may neural network processing unit na may kakayahan para sa Artificial Intelligence. 

Sa presyong P32,990 at P38,990, mabibili ang Huawei Mate 10 at Mate 10 Pro sa mga Huawei experience stores nationwide. 

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.